Home NATIONWIDE Halalan sa Maynila, mapayapa – MPD

Halalan sa Maynila, mapayapa – MPD

206
0

MANILA, Philippines – Payapa sa kabuuan ang idinaos na halalan 2025 sa lungsod ng Maynila, ayon sa pamunuan ng Manila Police District (MPD).

Bagama’t may dalawang indibidwal na nahuli sa vote buying, sinabi ni MPD Public Information Office Chief Police Major Philip Ines na wala naman naging problema sa ibang lugar kung saan ginanap ang botohan.

Dahil hindi pa natatapos ang bilangan at proklamasyon ng mga nanalong kandidato sa Maynila, sinabi ni Ines na mananatili ang kanilang deployment.

Sa datos na ibinahagi ni Ines, mula nang ipinatupad ang Comelec gun ban, nasa higit 500 ang kanilang nahuli na lumabag dito.

Nasa walo (8) naman ang dinakip dahil sa ipinatupad na liquor ban. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here