PORMAL na idineklara ng Commission on Elections (Comelec) sina incumbent Mayor Jeannie Sandoval para sa kanyang ikalawang termino, Vice Mayor Edward Nolasco matapos ang matagumpay na lokal na halalan ngayong 2025. Ginanap ang proklamasyon sa Session Hall sa ika-6 na palapag ng Malabon City Hall.Para sa Sangguniang Panlungsod ng Unang Distrito, ang mga nahalal na konsehal ay sina Maricar Torres, Ian Emmanuel Borja, Leslie Yambao, Paulo Oreta, Gerry Bernardo, at Payapa Ona.Samantala, mula naman sa Ikalawang Distrito, naiproklama bilang konsehal sina Enzo Oreta, Nadja Marie Vicencio, Jasper Cruz, Len Yanga, Sonia Lim, at Rom Cunanan bilang mga bagong miyembro ng sanggunian. JOJO RABULAN