Home METRO Halos 100 pamilya na nakatira sa tabing-dagat sa Maynila, inilikas

Halos 100 pamilya na nakatira sa tabing-dagat sa Maynila, inilikas

221
0

MANILA, Philippines – HALOS nasa 100 pamilya, na pawang mga residente mula sa Isla Puting Bato, Parola at mga lugar na malapit sa dalampasigan na lubhang tinamaan ng hagupit ng Bagyong Kristine, ang inilikas at dinala pansamantala sa Delpan Evacuation Center sa lungsod ng Maynila.

Personal na binisita ni Manila Mayor Honey Lacuna-Pangan nitong Biyernes ng umaga kasama si Manila Department of Social Welfare (MDSW) Director Re Fugoso, ang Delpan Evacuation Center upang magsagawa ng inspeksyon at malaman ang sitwasyon ng bawat pamilya at indibidwal na pansamantalang nanunuluyan sa nasabing pasilidad.

Pinangunahan naman ng MDSW ang pamamahagi ng mga portable shelter, pang-araw-araw na pagkain, at prophylaxis para sa mga residente na lumusong sa baha.

Bukod dito, napag-alaman na bibigyan din ng food box ng lokal na pamahalaang lungsod ang bawat pamilya na naapektuhan ng nasabing bagyo. JR Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here