Home NATIONWIDE 740 pamilya sa Ilocos Sur, apektado ng bagyong Kristine

740 pamilya sa Ilocos Sur, apektado ng bagyong Kristine

ILOCOS SUR- Umabot na sa 740 pamilya o 2,256 indibidwal sa Ilocos Sur ang naapektuhan sa pananalasa ng bagyong Kristine.

Ito ay ayon sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office ng Ilocos Sur.

Nabatid na 582 pamilya pa rin ang nananatiling nasa 29 na evacuation centers sa probinsiya. Karamihan sa mga ito ay mga naninirahan malapit sa coastal areas.

Tiniyak naman ni Ilocos Sur Governor Jerry Singson na nakahanda ang Ilocos Sur Provincial Government sa paghatid ng tulong sa mga apektadong residente.

Laking pasasalamat ng opisyal dahil nakapag-ani na ang mga magsasaka bago pa dumating ang bagyo.

Maliban sa nangyaring pagguho ng lupa sa bayan ng Cervantes, wala pa umanong naitatalang pinsala sa mga kabahayan sa Ilocos Sur.

Nanawagan si Singson sa mga residente na maging alerto, maghanda at maging updated lag isa kalagayan ng panahon.

Payo nito sa mga residente na kung kinakailangan ay lumikas nang mas maaga sa mas ligtas na lugar. Rolando S. Gamoso