Home NATIONWIDE Search and rescue team ng Makati, ipinadala sa Bicol sa rescue ops

Search and rescue team ng Makati, ipinadala sa Bicol sa rescue ops

109
0

MANILA, Philippines – Nagpamalas ng kahandaan sa panahon ng bagyo at sakuna ang lokal na pamahalaan ng Makati nang nagpadala ito ng search and rescue teams sa Bicol.

Nagpahayag ng pakikiisa at pagmamalasakit ang Pamahalaang Lunsod ng Makati sa pangunguna ni Mayor Abby Binay sa mga Bicolano.

Sabi ni Binay, palaging handang tumulong ang Makati sa ibang lokalidad sa abot ng kanilang makakaya sa panahon ng kalamidad.

Nagpadala ang Makati Disaster Risk Reduction and Management Office (DRRMO) ng 27 katao, kabilang ang technical search and rescue responders at emergency medical services responders.

Paliwanag ng Makati City, kargado rin ang kanilang mga tauhan ng kumpletong kagamitan para sa Water Search and Rescue, mga steel boats/rubber boats, mga kagamitang medikal, high-angle search and rescue equipment, at personal protective equipment.

Kasama ring dala-dala ng mga tauhan at teams ng Makati DRRMO ang mga generator set at Urban Search and Rescue shelter, apat na rescue vehicles, dalawang basic life support ambulances, at isang canter truck. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here