Home NATIONWIDE PBBM sa mga biktima ni Kristine: Tulong, parating na!

PBBM sa mga biktima ni Kristine: Tulong, parating na!

95
0

MANILA, Philippines – TINIYAK ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa mga pamilya at indibiduwal na naninirahan sa mga lugar na direktang tinamaan ng bagyong Kristine na dumating na ang tulong sa maraming lugar at paparating naman na ang tulong sa iba pa.

Sa katunayan, inatasan ng Chief Executive ang mga kinauukulang ahensiya ng pamahalaan na bilisan ang paghahanda sa mga lugar na inaasahan na magiging apektado habang ang Severe Tropical Storm Kristine ay patungong Northern Luzon.

Nanawagan din ang Pangulo na paigtingin ang pagsisikap ng relief operations sa Bicol Region, nangako sa mga pamilya na sinalanta ng bagyo na ang tulong ng pamahalaan ay “is on the way.”

“We are now intensifying, as well, preparations as this generational typhoon makes its way to Southern Tagalog, and barrels towards Northern Luzon. Our priority there is to mitigate the damage it may cause, evacuate those living in hazardous areas, and preposition necessary goods and personnel to ensure the continuous availability of essential supplies once the Typhoon arrives,” dagdag na wika ng Punong Ehekutibo.

Nagpasaklolo na rin si Pangulong Marcos sa pribadong sektor na tumulong sa mga binahang komunidad.

“We direct all agencies and offices of the government, as well as our partners in the private and non-government sector, to pitch in, strengthen and reinforce the bulwark which we have built against this raging tempest,” ayon sa Pangulo.

Tiniyak ni Pangulong Marcos na ang mga ahensiya ng pamahalaan ay “tirelessly and urgently working towards the immediate deployment of relief, recovery, and rehabilitation” sa mga lugar sa Bicol Region na nagdusa sa bagsik ni Kristine.

“Lahat ng mapagkukunan ng inyong pambansang pamahalaan ay inalaaan upang ipaabot bilang kinakailangan na tulong, tungo sa mabilisang pagbalik ng normal na kondisyon at pamumuhay sa mga apektadong lugar,” ayon sa Pangulo.

“Sa ating nagkakaisa at mabilisang galaw at pagkilos, malalampasan natin ang unos na ito, muling itatayo ang mga nasira nito, at babangon tayo muli bilang isang mas matatag at mas matibay na bayan,” dagdag na wika nito. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here