MANILA, Philippines – Halos isang libong tawag ang natanggap ng Department of Health (DOH) mental health hotline simula sa huling bahagi ng taong 2025.
Ayon sa DOH umabot sa 961 called ang dumulog sa DOH Mental Health Hotline sa National Center for Mental Health mula December 21, 2025 hanggang January 2, 2026.
Nakitaan ng pagtaas ng bilang ng mga humingi ng tulong nitong December 30, 2025, kung saan problema sa relasyon o love life, anxiety, at depressive symptoms ang pangunahing dahilan ng pagtawag.
Magpapatuloy naman ang surveillance ng kagawaran hanggang January 5 at mananatiling bukas ang mga mental health hotlines.