Home HOME BANNER STORY Pag-init ng natirang pagkain, ibinabala ng DOH

Pag-init ng natirang pagkain, ibinabala ng DOH

216
0

MANILA, Philippines – Nagbabala ang health authorities sa publiko laban sa paulit-ulit na pag-init ng tirang pagkain mula sa New Year celebrations dahil maaari itong magdulot ng food poisoning.

Ani Dr. Rheuel Bobis ng DOH-CHD 1, “Isa sa pinaka-common na reason kung bakit napu-food poison ang ating mga kababayan ay dahil sa maling preparation at pagkasira ng ating mga pagkain.”

Ayon sa DOH, dapat itago ang tirang pagkain sa ref ng tatlo hanggang apat na araw lamang.

Mas ligtas kung ilalagay sa freezer upang mas tumagal ang shelf life.

Pinayuhan din ang publiko na huwag kainin ang pagkain na may kakaibang amoy, lasa, o hitsura, at iwasang itago sa room temperature.

Binanggit na hindi laging halata ang kontaminadong pagkain kaya ang tamang pag-iimbak at paghahanda ang pinakamabisang paraan para maiwasan ang food poisoning. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here