MANILA, Philippines – Pinangunahan ni Most Rev.Dave Dean Capuyao , ang Prelate ng Infanta ang Blessing at ikaapat na Misa Novela sa Quiapo ngayong hapon.
Nakikisama aktibidad ang 513 Balangay group na affiliated sa Quiapo na may kabuuang 13 libong miyembro.
Humigit-kumulang 2,000 imahe naman ang nakikita sa pagbabasbas sa mga replica ng imahe ng Jesus Nazareno na may ibat-ibang sukat o laki.
Kaugnay sa nasabing aktibidad nagtalaga ang mga organizers ng entrance at exit points sa mga magtutungo sa Quiapo para sa pagbabasbas upang mapanatiling organisado ay maayos ang buong kaganapan na bahagi pa rin ng kapistahan ng Jess Nazareno sa Enero 9.
Inaasahang dadaluhan ng milyon-milyong deboto at mananampalataya ang Traslacion sa Enero 9 na magsisimula sa Quirino Grandstand pabalik ng Dambana ng Jesus Nazareno sa Quiapo Church. Jocelyn Tabangcura-Domenden