MANILA, Philippines – Nasa kabuuang 1,996,845 pasahero ang namonitor sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) mula Disyembre 19 hanggang 28, 2025.
Ayon kay PITX Senior Corporate Affairs Officer Kolyn Calbasa, ang pinakamataas na foot traffic sa terminal ay naitala noong Disyembre 23 sa 231,827 pasahero na sinundan ng Disyembre 26 sa 214,014 pasahero at noong Disyembre 22 sa 203,166 pasahero.
Kakaunti naman ang mga pasaherong nagtungo sa PITX sa mismong araw ng Pasko sa 180,580.
Narito ang tally ng bilang ng mga pasahero kada araw mula Disyembre 19 hanggang Disyembre 28:
December 21: 201,385 passengers
December 20: 200,153 passengers
December 27: 196,792 passengers
December 24: 191,587 passengers
December 28: 191,110 passengers
December 19: 186,231 passengers
Sa nasabing panahon, nakumpiska ng PITX ang kabuuang 409 items kabilang ang 125 kutsilyo, 93 na lighter at 63 cutter blades.
Mayroon ding 45 na gunting, 31 butane, 30 butane gas canister at 10 posporo.
Nauna nang sinabi ng PITX na inaasahan nila ang mahigit tatlong milyong pasahero mula Disyembre 19, 2025 hanggang Enero 5, 2026 para sa selebrasyon ng Pasko at Bagong Taon.
Ngayong Lunes, Disyembre 29 ay mayroong 30,446 pasahero ang naitala sa PITX. RNT/JGC