Home NATIONWIDE Kelot arestado sa pagtitinda ng illegal na paputok

Kelot arestado sa pagtitinda ng illegal na paputok

217
0

PANGASINAN-Arestado ang isang 20-anyos na lalaki matapos mahuli sa aktong nagtitinda ng illegal na paputok sa bayan ng Bayambang ng lalawigang nitong Linggo, Disyembre 28.

Ayon sa mga otoridad, ang suspek ay residente ng Malasiqui, Pangasinan.

Nakumpiska sa suspek ang 36 na piraso ng illegal na paputok na “Kwiton” na tinatayang nagkakahalaga ng P3,000.

Wala rin umanong maipakitang permit or authority to sell or distribute ang suspek.

Bukod sa mga illegal na paputok, kinumpiska rin ng mga otoridad ang Bunos X na motorsiklo na ginagamit nito sa pagha-house-to-house delivery. ROLANDO S. GAMOSO

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here