MANILA, Philippines – Umabot na sa 298,221 ang mga pasyenteng nakinabang sa zero-balance billing program ng pamahalaan, iniulat ng Department of Health (DOH) nitong Sabado, Setyembre 6.
Ayon sa DOH, katumbas ito ng P26.4 bilyon sa pinagsamang billing ng mga pasyenteng inadmit para sa basic accommodation sa mga DOH hospital.
Sa ilalim ng polisiya, ang mga pasyente sa DOH hospitals ay hindi na kailangang magbayad para sa medical services, gamot at professional fee ng mga doktor.
Samantala, iniulat din ng DOH na ang daily average admissions sa DOH hospitals ay tumaas mula sa 3,297 patungong 4,067 mula nang ianunsyo ang polisiya.
Sinabi ng DOH na ang proposed P320 billion budget para sa 2026 ay tututok sa pagpapalawak ng Universal Health Care. RNT/JGC