Home TOP STORIES Halos 400 arestado sa Abu Dhabi dahil sa pagkuha ng video, maling...

Halos 400 arestado sa Abu Dhabi dahil sa pagkuha ng video, maling impormasyon sa gitna ng digmaan

112
0

ABU DHABI, UAE – Arestado ang halos 400 katao sa Abu Dhabi matapos umano’y mag-video at magpakalat ng maling impormasyon kaugnay ng digmaan sa Middle East.

Ayon sa pulisya, 375 indibidwal mula sa iba’t ibang nasyonalidad ang hinuli dahil sa pagkuha ng footage sa iba’t ibang lugar at pag-post ng maling impormasyon sa social media.

“Abu Dhabi Police announced the arrest of 375 individuals of various nationalities for filming different locations and spreading misinformation related to current events on social media platforms,” ayon sa pahayag.

Inihain na sa Public Prosecution ang kaso laban sa mga suspek.

Bahagi ito ng mas mahigpit na hakbang ng United Arab Emirates at iba pang bansa sa Gulf laban sa pagkalat ng sensitibong impormasyon habang nagpapatuloy ang tensyon sa rehiyon.

Nag-ugat ang sigalot sa mga pag-atake ng US at Israel sa Iran, na sinundan ng ganting-atake ng Tehran sa mga target kabilang ang oil facilities, paliparan, at residential areas sa Gulf.

Patuloy pa rin ang mga pag-atake sa kabila ng umiiral na marupok na dalawang linggong ceasefire. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here