Home METRO Kanlaon, nagbuga ng 1.2km abo; nananatili sa Alert Level 2

Kanlaon, nagbuga ng 1.2km abo; nananatili sa Alert Level 2

110
0

NEGROS OCCIDENTAL, Philippines – Nakapagtala ng 1,200 metrong taas ng ash plume mula sa Bulkang Kanlaon sa Negros Island nitong Huwebes ng umaga, ayon sa PHIVOLCS.

Ayon kay PHIVOLCS chief Teresito Bacolcol, normal ito dahil nasa Alert Level 2 ang bulkan.

“Part of kanyang Alert Level 2 status. So in-expect natin ‘yan na every now and then may pagbubuga ng abo sa Kanlaon Volcano,” aniya.

Dagdag niya, umabot sa 24 ash emission events ang naitala noong Marso.

Ipinaliwanag na ang aktibidad ay dulot ng pressure buildup sa ilalim ng bulkan mula sa steam-driven o hydrothermal processes.

Sa nakalipas na 24 oras, nakapagtala rin ng 12 volcanic earthquakes. Ang sulfur dioxide emissions ay nasa 1,524 tonelada kada araw, mas mababa kumpara sa naitalang 4,126 tonelada noong Enero 9.

Nananatili ang Alert Level 2, na nangangahulugang may pagtaas ng aktibidad at posibilidad ng biglaang phreatic eruptions.

Ipinagbabawal ang pagpasok sa loob ng 4-kilometrong Permanent Danger Zone (PDZ) at ang paglipad ng anumang sasakyang panghimpapawid malapit sa bulkan. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here