MANILA, Philippines – Posibleng bumaba ang presyo ng langis sa susunod na linggo matapos ang mahigit isang buwang sunod-sunod na pagtaas dulot ng tensyon sa Middle East, kasunod ng dalawang linggong tigil-putukan ng Estados Unidos at Iran.
Ayon sa oil industry source, bumaba ang MOPS (Mean of Platts Singapore) prices at premiums dahil sa ceasefire agreement.
Batay sa unang tatlong araw ng trading, inaasahang rollback ang mga sumusunod:
Diesel: ₱2.50 hanggang ₱3.40 kada litro
Gasoline: humigit-kumulang ₱1.00 kada litro






