Home NATIONWIDE Halos 400K pasahero sa mga pantalan naitala

Halos 400K pasahero sa mga pantalan naitala

105
0

MANILA, Philippines – Sa pagtatapos ng Holy Week, umabot sa ang 195,257 outbound passengers at 167,690 inbound passengers ang namonitor ng Philippine Coast Guard (PCG) sa lahat ng pantalan sa buong bansa.

Bukod dito, nakapagsagawa ng inspeksyon ang 16 na PCG Districts sa 1,650 vessels at 3,879 motorbanca.

Ang PCG ay nasa heightened alert mula Marso 28, 2026 hanggang Abril 5, 2026 upang pamahalaan ang dagsa ng mga pasahero sa pantalan.

Ang publiko na naglalakbay sa dagat ay maaaring makipag-ugnayan sa PCG sa pamamagitan ng opisyal nitong Facebook page para sa mga tanong, alalahanin, at paglilinaw ukol sa sea travel protocols at regulasyon ngayong Semana Santa at Tag-init na Bakasyon 2026.

Inaasahan na tataas ang bilang ng outbound at inbound passengers hanggang mamayang hapon para samga nagbabalik trabaho. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here