Home NATIONWIDE Halos 8K pasahero istranded sa mga pantalan sa bansa

Halos 8K pasahero istranded sa mga pantalan sa bansa

212
0

MANILA, Philippines – Halos 8,000 indibidwal na ang stranded sa ibat-ibang pantalan sa bansa ngayong Huwebes, Oktubre 24 dahil sa pananalasa ng bagyong Kristine, sinabi ng Philippine Coast Guard (PCG).

Kabilang sa mga stranded ang 7,957 pasahero, truck drivers, at cargo helpers sa mga pantalan sa Southern Tagalog, Northwestern Luzon, Bicol, Northeastern Luzon, Eastern Visayas, Northeastern Mindanao, Central Visayas, Western Visayas, National Capital Region, Central Luzon at Southern Visayas.

Karamihan sa mga stranded na pasahero ay naitala sa Bicol ports na may 3,033 na sinundan ng Northeastern Mindanao ports na may 1,554.

Ayon sa PCG, naapektuhan ng bagyong Kristine ang operasyon sa 136 seaports sa bansa kung saan may stranded na 2,736 rolling cargoes, 147 vessels at 65 motorbancas.

Kabuuang 326 mga barko at 313 motorbancas ang nagtago muna sa ligtas na lugar.

Sinabi ng PCG na nabibigyan ng tulong ang mga istranded sa tulong na rin ng Philippine Ports Authority (PPA) at ilang concerned agencies. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here