Home NATIONWIDE Halos 900 tauhan ng MPD ipinakalat sa unang araw ng school enrollment...

Halos 900 tauhan ng MPD ipinakalat sa unang araw ng school enrollment sa Maynila

MANILA, Philippines – Halos 900 personnel ng Manila Police District (MPD) ang idineploy ng pamunuan para sa unang araw ng enrollment sa mga eskuwelahan sa Lungsod ng Maynila.

Ito ay ayon kay MPD Director P/Brig.Gen.Andr Dizon ay upang mabantayan at mapangalagaan ang seguridad ng mga enrollees maging ang mga school staff sa labas ng school premises.

Nakipag-ugnayan na rin ang MPD sa iba pang force multipliers at pamunuan ng mga eskuwelahan, pribado man o pampublikong paaralan para sa mas maayos at payapang paglalatag ng karagdagang seguridad.

Hindi naman nawawala ang tuloy-tuloy na pagpapatrolya ng kapulisan, lalo na ang mga motorcycle at bicycle units sa buong Kamaynilaan.

Ayon pa kay Dizon, hindi lamang ngayong enrollment nakabantay ang mga kapulisan kundi maging sa unang pagbubukas ng klase ngayong buwan at sa buong taon ng school year. Jocelyn Tabangcura-Domenden