MANILA, Philippines – Lampas na sa ikinokonsiderang ligtas na lebel ang air pollution levels sa halos lahat ng bansa.
Sa analysis ng Swiss air quality technology firm na IQAir, na inilathala nitong Martes, Marso 11, napag-alaman na pitong bansa lamang ang nakapasok sa recommended limits ng World Health Organization (WHO) para sa fine particulate matter (PM2.5) noong 2024.
Ito ay ang mga bansang Australia, New Zealand, Estonia, Iceland, at ilang maliliit na island nations, sa pagkakaroon ng annual average na 5µg ng PM2.5 per cubic meter o mas mababa pa.
Sa kabilang banda, itinanghal na most polluted nations naman ang Chad, Bangladesh, Pakistan, Democratic Republic of the Congo, at India.
Nakita sa report na ang PM2.5 levels sa mga bansang ito ay lampas sa guidelines ng WHO ng halos 10 beses, kung saan ang konsentrasyon sa Chad ay 18 beses na lampas sa recommended limit.
Samantala, iginiit naman ni Frank Hammes, CEO ng IQAir, ang long-term health risks ng toxic air sa pagsasabing “Air pollution doesn’t kill us immediately – it takes maybe two to three decades before we see the impacts on health unless it’s very extreme.” RNT/JGC