Home METRO Halos P29M ismagel na yosi nasamsam sa Zambo City

Halos P29M ismagel na yosi nasamsam sa Zambo City

170
0

MANILA, Philippines- Inanunsyo ng Philippine National Police – Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) nitong Biyernes na nasabat nito ang puslit na sigarilyo na nagkakahalaga ng halos P29 milyon sa Zamboanga City.

Batay sa CIDG, nagresulta ang operasyon nitong “Mega Shopper” sa pagkakakumpiska sa 506 kaha ng iba’t ibang brand ng sigarilyo, na may kabuuang P28,993,800, walang internal revenue stamps sa isang pasilidad sa Barangay Patalon.

Nag-ugat ang operasyon sa kautusan ng Bureau of Internal Revenue sa CIDG Zamboanga City Field Unit at iba pang law enforcement agencies. 

“The CIDG assures the public of its unwavering commitment to enforcing anti-criminality campaigns and putting a stop to illegal and criminal activities,” pahayag ni CIDG Acting Director Brig. Gen. Nicolas Torre III. RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here