Home NATIONWIDE Halos P8M droga nasabat sa inabandonang padala sa Pasay

Halos P8M droga nasabat sa inabandonang padala sa Pasay

MANILA, Philippines – HALOS nasa P8 milyon halaga ng iligal na droga ang nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) mula sa tatlong abandunadong parcel sa Central Mail exchange center sa domestic road sa lungsod ng Pasay.

Ayon sa BOC, unang naharang ng customs examiners ang parcel na idineklarang “Collectible Camera Film Roll” padala ng ABH Studios ng CA USA na naka consignee kay Eliazar Nace ng Cebu City na naglalaman ng 96 boxes ng cartridge marijuana oil na may standard drug price na aabot sa P5,760.00.

Habang ang pangalawang parcel ay idineklarang “Womens T-shirt” na padala ng Linda Kim mula CA USA na naka consignee naman kay Julies Rivera ng Bacolod City, Negros Occidental kung saan nakalagay ang plastic bag na naglalaman ng Marijuana (Kush) na 468 grams na may standard drug value na P655,200.00

Ang pangatlong parcel na idineklarang “cloths & dener stone” na padala naman mula sa Pakistan na naka consignee kay Erin Jane De Asis ng Naga City, Camarines Sur, na naglalaman ng 957 grams na hinihinalang shabu na may standard drug value na P6,507,600.00.

Ang mga nasamsam na iligal na droga na may kabuuang halaga na aabot sa P7,738,800 ay naiturn-over na ng customs sa NAIA PDEA-IADITG para sa karagdagang imbestigasyon at tamang disposisyon. Jay Reyes