Home NATIONWIDE UAE, US nagpadala ng donasyon para sa mga biktima ni ‘Carina’

UAE, US nagpadala ng donasyon para sa mga biktima ni ‘Carina’

149
0

NAGPADALA ang United Arab Emirates (UAE) at Estados Unidos ng bagong humanitarian aid sa Pilipinas bilang tugon sa kamakailan lamang na pananalasa ng bagyong Carina at matinding southwest monsoon (habagat).

Sa katunayan, tinurn- over ng UAE government ang donasyon nito sa isang seremonya sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 2 nityo lamang Hulyo 30, 2024.

Kabilang sa naturang donasyon ang 2,464 packs o bags ng milk powder, wheat flour, tea powder, rice, cooking oil, red lentils, peas, dates, juice, oats, tomato paste, asukal at asin.

Nagbigay din ang UAE government ng 4,928 packs at mga lata ng pasta at iba pang pangunahing food items.

Pinasalamatan naman ni Special Envoy to the UAE for Trade and Investments Ma. Anna Kathryna Yu-Pimentel ang liderato ng UAE leadership, partikular na ang Kanyang kamahalan Sheikh Mohamed bin Zayed Al Nahyan, UAE President; Sheikh Abdullah bin Zayed bin Sultan Al Nahyan, Minister of Foreign Affairs and Deputy Prime Minister; at Ambassador UAE Ambassador Mohamed Obaid Alqattam.

“This generous donation from the UAE government is a testament to the deepening bilateral relations between the UAE and the Philippines under the leadership of President Ferdinand Marcos Jr.,” ang sinabi ni Yu-Pimentel.

Aniya pa, ang kamakailan lamang na pagbisita ni Unang Ginang Liza Araneta Marcos sa UAE ay lalong nagpatibay sa matibay na ugnayan sa pagitan ng dalawang bansa.

“We thank (President Marcos) for his decisive leadership and swift action to help our countrymen,” aniya pa rin.

Ang turnover ceremony ay sinaksihan nina Social Welfare and Development Secretary Rex Gatchalian, Interior Secretary Benjamin Abalos Jr., at Reichel Quiñones, hepe ng Presidential Protocol and Presidential Assistant on Foreign Affairs.

Samantala, nagpaabot naman ang Estados Unidos ng P55 million (USD1 million) na humanitarian aid sa mga komunidad na apektado ng baha.

Inanunsyo ni US Secretary of State Antony Blinken sa kanyang naging pagbisita sa Maynila noong Hulyo 30, ang tulong ay tugon sa agarang pangangailangan ng mga apektado at vulnerable communities sa Bulacan, Ilocos Norte, Ilocos Sur, Lanao Del Sur, Maguindanao del Norte, Maguindanao del Sur, National Capital Region, at Pampanga.

Sa pamamagitan ng pagpopondo, ang US Agency for International Development (USAID), sa pakikipagtulungan sa Catholic Relief Services and Action Against Hunger, ay magbibigay sa mga pamilya ng access sa ‘food aid, hygiene kits, emergency shelter kits, malinis na tubig, at one-time cash transfers kung saan pahihintulutan ang mga ito na makabangon at makabawi mula sa disaster ng ligtas at may dignidad. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here