Home OPINION HAMON SA BAGONG HEPE NG CIDG-4B

HAMON SA BAGONG HEPE NG CIDG-4B

KAPAG ikaw ay opisyal o kahit non-commissioned officer na nakatalaga sa Criminal Investigation and Detection Group, aba’y asahan na ang tingin sa iyo ay mas mataas kaysa kapwa pulis na ang assignment ay sa ibang unit.

Kasi nga, ang CIDG ay premier o pangunahing unit ng Philippine National Police na ang nakaatang na trabaho’t responsibilidad ay investigation hanggang sa pagsasagawa ng operation na sensational crime cases.

Sa madali’t sabi, may angkin kang talino sa pagsilip sa mga big crimes, pagharap sa mga  sindikato at kaakibat na patunay na naging bahagi ka na ng imbestigasyon at solusyon ng malalaking kaso.

Bukod sa talim ng isip, achievements kelangan din ang backer na magdadala sa iyo sa pwesto sa CIDG, iyan ay hindi syempre maitatanggi.

Pero may backer man o kuwalipikasyon ang naging ticket  kaya naitalaga sa PNP’s premier probe body ay wala na tayo roon  – ang mahalaga’y nabigyan sila  ng pagkakataong maging bahagi at matawag na CIDG official o CIDG agent.

Speaking of newly appointed CIDG official, may bagong hepe ang Region 4B na kilala rin sa tawag na MIMAROPA, sa katauhan ni P/LtCol Antonio Rotol, Jr., isang bemedalled cop, ayon sa mga Batangueno.

Bago sa kasalukuyang pwesto, galing si Rotol sa Batangas. Naging hepe ng Lipa,  Bauan at Tanauan kung saan nakabingwit ng mga pagkilala dahil nagpamalas ng galing sa investigation, operation at intelligence work.

Mukhang may pruweba ang mga Batangueno dahil mahigit isang buwan pa lamang sa puwesto sa MIMAROPA  pero sangkaterba na ang accomplishment ni Rotol kabilang ang pagkaaresto sa most wanted sa rehiyon  na si  Danny Boy Artacho Aranda, 32.

Si Angel Macalalad alyas Ka Ruben, combatant ng New People’s Army, isang  amasona at si Raniel Seno na provincial level wanted person sa kasong rape ay ilan lamang sa mga fugitive na nahulog sa kamay ng CIDG MIMAROPA.

Ilang beses na naka-recover ang pulisya ng bulto-bultong droga sa karagatan ng rehiyon na ruta rin ng smuggled petroleum products na lumalapag sa Region- 4A.

Saludo tayo sa maagang ipinapakitang gilas ng liderato ni Rotol sa kriminalidad sa rehiyon pero hamon natin ay kumilos din laban sa oil syndicate na matagal nang ginagamit ang MIMAROPA shores sa smuggling operation.