Home ENTERTAINMENT Hanash ni Khalil sa pagboto, nakakuha ng sandamakmak na reaksyon!

Hanash ni Khalil sa pagboto, nakakuha ng sandamakmak na reaksyon!

135
0

Manila, Philippines- Kung matatandaan ay nagbahagi si Khalil Ramos sa kanyang naging karanasan sa nakaraang 2025 national elections.

Isa kasi ang Kapuso actor sa mga unang pumila sa presinto to cast his votes sa nakaraang eleksyon.

Sa kanyang mensahe nga sa X social media platform, nagbigay siya ng paalala na maging maingat sa pag-shade sa balota.

Sa sobra raw kasing diin ng kanyang pag-shade, tumagos ang ink ng kanyang pen sa likod ng kanyang balota kaya na1balewala o na-invalidate ang boto niya sa partylist na nasa second page.

Umani naman ng samu’t-saring reaksyon ang kanyang tweet.

Ito ang ilang reaksyon ng netizens.

“Allow for the ink to dry before turning over the ballot to shade for partylist. Nag-smear on various sections yung ink sa front page ng ballot ko. Buti nlang, walang mga bilog na na-shade apart from my picks. Nabasa pa din naman balota ko.”

“Omg this happened to me too! Huhu”

“Don’t press too much when shading pls.” Archie Liao

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here