Home NATIONWIDE Harm reduction efforts, napipigilan dahil sa kalituhan sa nikotina – eksperto

Harm reduction efforts, napipigilan dahil sa kalituhan sa nikotina – eksperto

252
0

NAGBABALA ang mga siyentipiko at manggagamot na ang malaganap na kathang-isip ukol sa nikotina ang pumipigil sa milyon-milyong mga naninigarilyo sa buong mundo na lumipat sa mas ligtas at napatunayang alternatibo.

Sa 8th Summit on Tobacco Harm Reduction: Novel Product, Research & Policy sa Athens, mahigit 200 eksperto mula sa 51 bansa ang nagbigay-diin na “global tobacco control should be driven by scientific evidence – not ideology – and must recognize harm reduction as an essential strategy for smokers who can’t or won’t quit.”

Ang summit ay inorganisa ng SCOHRE, International Association on Smoking Control & Harm Reduction, noong Setyembre 30 hanggang Oktubre 1, 2025.

Ang tobacco harm reduction ay isang siyentipikong paraan ng pampublikong kalusugan na naglalayong bawasan ang panganib ng paninigarilyo sa pamamagitan ng paggamit ng less harmful alternatives gaya ng e-cigarettes, heated tobacco products, at nicotine pouches. Bagaman ideal ang ganap na pagtigil, nakikita ng mga eksperto ang mga alternatibong ito bilang practical solutions para sa mga naninigarilyo.

Ayon kay Dr. Konstantinos Farsalinos, isang Greek physician at research associate, may obligasyon ang scientific community na itama ang maling pagkaunawa sa nikotina. Babala niya, kapag pinabayaan ito, lalong lalaganap ang misinformation na nagdudulot ng maling pananaw sa publiko at mga health professionals.

Ipinunto ni Dr. Giovanni Li Volti ng University of Catania na batay sa mga pag-aaral, ang nikotina ay hindi nagdudulot ng seryosong panganib sa cardiovascular health. “If nicotine were inherently dangerous, its use in replacement therapy would not make sense,” aniya. Inamin din niyang nananatiling laganap ang maling akala dahil sa kabiguan ng mga siyentipiko na malinaw na maipaliwanag ang pagkakaiba ng epekto ng nikotina at ng mga byproducts ng combustion.

Ibinahagi naman ni Dr. Rohan Andrade Sequeira ng Mumbai ang epekto ng misinformation sa India, kung saan mataas ang kaso ng oral cancer dahil sa paggamit ng local oral tobacco. Sa kabila ng 7% success rate ng nicotine replacement therapy, sinabi ni Sequeira na “the remaining 93% often relapse without viable alternatives,” at itinuturing niyang promising ang nicotine pouches bilang hakbang sa pagbabago.

Itinuro ni Damian Sweeney ng New Nicotine Alliance Ireland ang Sweden bilang halimbawa ng matagumpay na harm reduction. Bagaman kapantay sa EU ang nicotine consumption nito, karamihan ay mula sa snus—isang smokeless tobacco product—na nagbaba sa smoking rate ng bansa sa 5%, pinakamababa sa EU. Babala ni Sweeney, ang misinformation sa nikotina ay maaaring maging “as deadly as smoking itself.”

Tinuligsa naman ni Clive Bates, dating director ng ASH UK, ang World Health Organization Framework Convention on Tobacco Control (WHO FCTC) dahil sa pagiging hadlang sa harm reduction. Nanawagan siya ng “coalition of the willing” sa FCTC member states upang tanggapin ang harm reduction at talikuran ang “fanatical” na paninindigan sa nikotina.

Binigyang-diin ng panel na kailangang maging consistent ang scientific community sa pagbabahagi ng evidence-based information at dapat gampanan ng media ang papel nito sa pagtutuwid ng maling impormasyon at pagpapalaganap ng balanseng diskurso ukol sa harm reduction.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here