MANILA, Philippines – Nagpalabas ng warrant of arrest ang korte laban kay Atty. Harry Roque at Cassandra Ong bunsod ng kinakaharap na kasong human trafficking.
Kaugnay ito sa umano’y pagiging sangkot ni Roque sa ilegal na aktibidad ng Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) hub na Lucky South 99 Corporation sa Porac, Pampanga.
Inisyu ang warrant of arrest ng Angeles City RTC Branch 118.
Si Roque ay matagal nang nasa The Hague, Netherlands. Una na nitong kinumpirma na humihingi siya sa naturang bansa ng political asylum.
Ilang beses nang itinanggi ni Roque na may kaugnayan siya sa Lucky South 99. Hindi rin umano totoo na mayroon siyang hindi maipaliwanag na yaman. Teresa Tavares