Home ENTERTAINMENT Heart, inokray sa Hollywood movie!

Heart, inokray sa Hollywood movie!

Manila, Philippines – Hindi sukat akalain ni Heart Evangelista na maipapalabas pa ang kanyang kauna-unahang international movie.

Ito aniya ang suspense thriller na pinamagatang Infamous Six.

Heart remembers doing this five years ago, panahon kung kailan nag-uumpisa nang sumipa ang Covid 19.

Masaya ang global fashion icon na ang pelikulang inakala niyang matetengga habambuhay will finally find its way at commercial theatres.

Sayang naman daw kasi ang effort ng buong production team na nag-shoot pa sa China.

The irony of it all, habang sinu-shoot pala nila ang pelikula’y nagsisimula na ring kumalat sa China ang deadly virus that spread around the world?

Anyway, isang netizen ang nag-post na hindi naman daw kagandahan sa Infamous Six ang akting na ipinakita ni Heart.

To the rescue naman ang isang faney na nagpaalala sa nagmamaasim na netizen na:

“Baket, napanood mo na ba ang pelikula?”

‘Di pa nakuntento sa kanyang ganting taray, ipinaalala rin ng Heart defender ang mga teleseryeng nilabasan ng aktres, with special mention ng last GMA series nito shot in Sorsogon.

“And for your information,” gigil na gigil pang pahabol nito, “nag-Best Actress na si Heart sa Famas…isa lang naman si Nora Aunor sa mga tinalo niya! May kuda ka pa?”

If only for this, may dahilan para panoorin ang naturang international movie ni Heart.

Ka-award-award din kaya ang acting niya doon? Ronnie Carrasco III