Home ENTERTAINMENT Heart, pinuri sa pagiging stepmom!

Heart, pinuri sa pagiging stepmom!

230
0

Manila, Philippines – No doubt, Heart Evangelista treats her husband Sen. Chiz Escudero’s kids like her own.

Tulad na lang ng pagdalo sa isang event ni Chesi.

Makikita na kinabog ng sinumang stylist ang peg ng fashion icon in making her stepdaughter look pretty for the occasion.

Heart saw to it na maganda’t maayos ang pananamit ni Chesi na nag-compliment sa hair and makeup nito.

Wait, there’s more.

Hanggang sa mga suot na alahas ni Chesi ay winner din.

Post nga ni Heart: “Our baby is now a lady!”

Bale ang escort ni Chesi sa prom ay ang Sparkle actor na si Bryce Eusebio.

Bryce took to Instagram ang pagpe-flex ng kanilang picture ni Chesi.

Umani naman ng mga papuri mula sa mga netizens ang ginawang pag-aasikaso ni Heart sa kanyang itinuturing nang anak.

Sa isip-isip nga raw ng mga netizens, how much more kung ang dadalo sa prom ay mismong anak nila ng senador?

Too bad dahil Heart would have been a mom kung hindi siya nakunan.

Four times na ‘yon, two of which would have produced twins na babae.

Anyway, masuwerte si Chesi sa pagkakaroon ng stepmom in Heart.

Samantala, hindi napigilang i-post ni Heart kung gaano niya nami-miss ang nasirang Sen. Miriam Defensor-Santiago.

Hindi lingid sa kaalaman ng publiko na nagsilbing tulay sa kanila ni Chiz si Santiago who Heart described nga as “the best President the Philippines never had.”

Matatandaang Santiago ran for President kung saan tinalo siya ni Tatay Digong. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here