Home SHOWBIZ Heart, sinabihang mag-focus sa charity work!

Heart, sinabihang mag-focus sa charity work!

276
0

Manila, Philippines – Ang latest na pinaksa ni Butch Francisco sa kanyang vlog na Time To Talk ay ang dati niyang co-host sa Startalk, si Heart Evangelista.

As expected, tinalakay ni Butch ang pagiging “collateral damage” ng fashion icon kaugnay ng flood control issue kung saan dawit din ang mister na si Senator Chiz Escudero.

May ni-raise kasing hypothetical question kung makukulong din ba si Heart pag napatunayang guilty si Chiz sa akusasyon laban sa kanya.

Pag-aanalisa ni Butch, malabo raw dahil on her own ay hindi masasabing “nepo wife” si Heart dahil may mga naipundar naman ito.

Bukod sa showbiz work, Heart—as everybody knows—is into a lot of things. Nariyan ang pagiging global fashion influencer, brand ambassador, painter, among many others.

May unsolicited advice nga lang si Butch para kay Heart: once Chiz is finally off the hook, i-redirect o i-rechannel nito ang kanyang enerhiya sa ibang bagay. Isa na nga rito ang ginagawang charity work ni Heart—which she does silently.

Samantala, ang latest tsika ni Butch, isa raw palang French si Heart. Ayon daw kasi sa DNA nito, nagtataglay ito ng 5% French blood, puwera pa rito ang pagkakaroon nga ng Parisian apartment.

Ano’t anuman daw, this does not erase the fact na unfair para kay Heart ang mga ibinibintang sa kanya. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here