Home ENTERTAINMENT Vice, ibinuking lagay ng lovelife ni Ryan!

Vice, ibinuking lagay ng lovelife ni Ryan!

315
0

Manila, Philippines – Pabirong nagpadaplis si Vice Ganda sa itinuturing niyang “anak” na si Ryan Bang tungkol sa lagay ng puso nito ngayon.

“Mommy” ang tawag ng South Korean TV host sa Unkaboggable Star.

Si Vice Ganda rin ang kauna-unahang sinabihan ni Ryan na engaged na sila ng nobyang si Paola Huyong.

Ngunit kamakailan, lumabas ang mga usap-usap sa social media tungkol sa breakup nina Ryan at Paola.

Nauna nang binura ni Paola ang mga posts at photos nila ni Ryan together. In-unfollow na rin niya si Ryan, hanggang naiulat na kapwa nila in-unfollow ang isa’t isa sa Instagram.

Bale, inanunsyo rin ni Paola na magsasara na ang kanyang café, na nasa parehong building kung saan matatagpuan ang Korean resto ni Ryan.

Samantala, nakibahagi si Ryan sa 7th anniversary celebration nina Vice Ganda at Ion Perez.

Sa vlog ni Vice Ganda, makikitang may pa-bouquet of flowers si Ryan para sa kanyang Mommy Vice. Ngunit pinigilan siya ni Meme: “Not now, Ryan, moment namin ‘to!”

Sinundan ito ng tumatawang Vice Ganda, na nagsabi kay Ryan: “Huwag kang inggitera! Kung wala ka nang nakakasama sa buhay, huwag kang mandaot ng eksena namin!”

Makahulugan ang tinuran ni Vice Ganda kahit biro lang, na nagpasiklab ng spekulasyon na kumpirmado na ngang hiwalay sina Ryan at Paola.

At presstime, nananatiling tahimik ang dalawa.

With Vice Ganda’s pambibisto, umamin na kaya sila? Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here