Manila, Philippines – “Huwag n’yong sagarin ang pasensya ko or else…”
Wari’y ito ang maliwanag na ultimatum ni Heart Evangelista sa kanyang mga bashers.
Pag-amin ng fashion icon, hangga’t kaya raw niya’y nakukuha niyang magtimpi laban sa kanyang mga social media critics.
Okey lang naman daw kung ang mga criticism o puna sa kanya ay may kalakip na malasakit for her to do better or improve herself.
Aware naman daw si Heart na bawat galaw niya is under public scrutiny.
Pero kadalasan daw ay below the belt na ang mga atake sa kanya.
Natataon pang either wala siya sa mood o kulang sa tulog sa tuwing mae-encounter niya ang pamba-bash sa kanya.
Pero tao lang din naman daw siya na nasasaktan o nagagalit, aminado si Heart na malaki ang epekto nito sa kanya.
Her mood instantly changes when she comes across brazen attacks against her.
At dahil nga tao rin siya like everyone else, bet ni Heart na manampal na ng kanyang mga bashers lalo’t kung sumosobra na nga naman ang mga ito.
Pero sa isang banda, naiisip din daw ni Heart na in the end ay siya pa rin ang talo.
Pag nanampal daw kasi siya ng basher, all the more na ipinain lang niya ang kanyang sarili to more bashers na hindi siya tatantanan. Ronnie Carrasco III