Home METRO Koreanong pinaghahanap ng Interpol, arestado sa Pampanga

Koreanong pinaghahanap ng Interpol, arestado sa Pampanga

251
0

CAMP OLIVAS, Pampanga – Sa pinaigting na kampanya ng Police Regional Office sa Gitnang Luzon (PRO-3) laban sa mga wanted nadakip ang isang Koreanong pugante na wanted sa kasong panloloko sa kanilang bansa nitong Biyernes.

Sa ipinatupad na Mission Order No. 2025-267, nadakip ang suspek na si Ha Sangmoo, 48, na wanted sa South Korea sa kasong paglabag sa Article 347(1) ng Korean Criminal Act (Fraud).

Sa pinagsamang operasyon ng San Fernando City Police Station at PRO-3 Regional Intelligence Division, nadakip ang suspek bandang 10:50AM sa nasabing lungsod.

Matapos ang operasyon, isinailalim sa medikal na pagsusuri ang pugante bago dinala sa pansamantalang kustodiya ng San Fernando City Police Station.

“Ang operasyong ito ay muling nagpapakita ng kahalagahan ng tamang impormasyon at matibay na pagtutulungan upang maihatid sa hustisya ang mga pugante at kamakailan ay nahuli din ang 10 regional most wanted persons,” pahayag ni PRO-3 Director Brig. Gen. Ponce Rogelio Peñones Jr. /Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here