MANILA, Philippines- Naglabas ng kautusan ang pamunuan ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) para sa kanilang mga field personnel na magsagawa ng heat stroke safety break na hindi bababa sa 10 hanggang 15 minuto upang makapagpahinga at makainom ng tubig para na rin mapanatili ang kanilang kaligtasan.
Sinabi rin ni Diokno sa kanyang mga tauhan na magsuot ng komportableng damit kasama ang kanilang mga uniporme at huwag magsuot ng jacket habang naka-duty sa ilalim ng araw.
Inatasan na rin ni Manila Mayor Dra. Honey Lacuna-Pangan ang lahat ng mga barangay tanod sa buong lungsod na sundin ang heat stroke safety break.
“They must remain in their deployment areas during safety breaks. But they must be in shade areas and hydrate,” ani Lacuna.
Ayon sa alkalde, kalimitan umano na tumataas ang heat index pagkatapos ng tanghali. JR Reyes