Home NATIONWIDE Heavy to intense na ulan iiral sa Metro Manila, 4 pang probinsya

Heavy to intense na ulan iiral sa Metro Manila, 4 pang probinsya

311
0

MANILA, Philippines – Nakararanas ng malakas hanggang sa intense na pag-ulan ang ilang bahagi ng Metro Manila at apat pang probinsya sa Luzon ngayong tanghali ng Lunes, Setyembre 29.

Ayon sa thunderstorm advisory ng PAGASA, apektado ng masamang panahon ang mga sumusunod:

Metro Manila (Malabon, Valenzuela, Caloocan, Quezon City, Manila, Makati, Mandaluyong, San Juan, Pasig, Marikina, Pateros, Navotas),
Bulacan (Santa Maria, Marilao, Bocaue, Meycauayan, Obando, Bulakan),
Batangas (San Pascual, Alitagtag, Tingloy, Mabini),
Quezon (Panukulan, Patnanungan, Burdeos, Unisan, Pitogo, Macalelon, Gumaca, Buenavista, Tagkawayan, Guinayangan) and
Rizal (Antipolo, Cainta, Taytay, San Mateo).

Maaari itong maranasan sa loob ng dalawang oras at makaapekto sa mga kalapit an lugar.

Samantala, inaasahan din ang heavy hanggang intense na pag-ulan na may kidlat at malakas na hangin sa Laguna, Cavite, Pampanga, Bataan, Tarlac, Zambales, at Nueva Ecija sa susunod na dalawang oras.

Inaabisuhan ang mga apektadong residente na maging alerto sa banta ng baha at landslide. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here