MANILA, Philippines – Ito ang sinabi ni reelectionist Senator TOL Tolentino kaugnay ng nangyaring pagkamatay ng criminology student na biktima ng snatching, at pagkuyog ng taumbayan nang mapagkamalang masamang loob.
Nilinaw ni TOL na hindi naman nagkukulang ang ating law enforcement at komunidad, pero dapat natin pare pareho pagtulungan ng higit pa.
Labis na ikinalungkot ng Senador ang pangyayari at mabilis na naghatid ng tulong sa pamilyang naulila.
Samantala, nabahala rin si Senator Francis TOL na nangyari ang abduction sa isang Malaysian student sa British School sa Taguig City ilang araw lang ang nakalilipas na ang suspek ay mismong driver ng pamilya ng biktima.
Target ng reelectionist Senator na makagawa ng mas mainam na batas sa pagbubukas ng Senado hinggil sa peace and security.
“(Higit) tulungan po natin mga kabayan ang ating mga Pulis at law enforcers. Sa pamilya ng mga biktima ng karahasan, nakikiramay po tayo; hintayin po natin ang resulta ng tuluy tuloy na imbestigasyon, at tulungan po natin sila” , sabing may kalungkutan ni reelectionist Senator Francis TOL Tolentino.
Ang pahayag ni TOL ay ginawa sa pagitan ng kampanya at motorcade sa Dasmarñas City na sinaksihan at dinaluhan ng mga Dasmarineños sa mataong lugar sa congressional ave.
Punung-puno ng sigla at ramdam ang pagmamahal ng mga kaprobinsya kay Senator Francis TOL Tolentino sa pag-aabang nila sa motorcade ng ipinagmamalaking anak ng Cavite
Tunay anilang may prinsipyo at matibay na paninindigan ang kanilang kabayan na nagpaunlad sa Tagaytay City bilang Mayor nito noon. RNT