MANILA, Philippines – Nakalabas na sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang tropikal na bagyong Helen at kumikilos na ito sa bilis na 40 kilometro bawat oras (km/h) patungo sa Japan, sinabi ng PAGASA nitong 11 p.m. bulletin ng bagyo.
Huling namataan si Helen sa 915 hilagang-silangan ng extreme Northern Luzon, na may pinakamataas na lakas ng hangin na 85 km/h at pagbugsong aabot sa 105 km/h.
Samantala ang habagat ay magdadala ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan sa ilang bahagi ng Luzon at Visayas sa Huwebes, iniulat ng PAGASA.
Magkakaroon ng monsoon rains ang Zambales at Bataan dahil sa southwest monsoon na may posibilidad na magkaroon ng flashflood o landslide dahil sa malakas hanggang sa matinding pag-ulan.
Ang Pangasinan, Tarlac, Pampanga, Occidental Mindoro, at Northern Palawan ay magkakaroon ng paminsan-minsang pag-ulan dahil sa habagat na may posibilidad na magkaroon ng flash flood o landslide dahil sa katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan.
Ang Metro Manila, Abra, Benguet, Nueva Ecija, Bulacan, Cavite, Batangas, Rizal, Oriental Mindoro, Romblon, Antique, Iloilo, at nalalabing bahagi ng Palawan at Ilocos Region ay magkakaroon ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na mga pag-ulan at pagkidlat-pagkulog dahil sa habagat na may kasamang ang posibilidad na magkaroon ng flash flood o landslide dahil sa katamtaman hanggang sa kung minsan ay malakas na pag-ulan.
Ang nalalabing bahagi ng Luzon at Visayas ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog dahil sa habagat na may posibilidad na magkaroon ng mga flash flood o landslide sa panahon ng matinding pagkidlat-pagkulog.
Ang Mindanao ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog dulot ng mga localized thunderstorms na may posibilidad na magkaroon ng flash flood o landslide sa panahon ng matinding pagkidlat-pagkulog. RNT