Home NATIONWIDE 2025 budget ng DFA, Comelec , DILG, CHR, Ombudsman oks na sa...

2025 budget ng DFA, Comelec , DILG, CHR, Ombudsman oks na sa Kamara

MANILA, Philippines- Pasado na sa deliberasyon sa plenaryo ng Kamara ang 2025 budget ng Department of Interior and Local Government, Commission on Elections, Department of Agrarian Reform at Department of Foreign Affairs maging ang Commission on Human Rights (CHR) maging ng Ombudsman.

Ang naaprubahang alokasyon ng DILG paara sa susunod na tayon ay P281.321 bilyon.

Ito ay matapos masagot ni House Committee on Appropriations vice chairperson Rep. Luisa Lloren Cuaresma, DILG budget sponsor, ang katanungan ni ACT-Teachers Party-list Rep. France Castro kung ang  Philippine National Police (PNP) ay may datos ukol sa bilang ng drug related killings kasama ang sa Davao na umaabot sa 96 na pagpatay simula noong July 1, 2022 hanggang March 2024.

Ang budget allocation ng CHR para sa susunod na taon ay aabot sa P1.109 bilyon.

Sinabi ni Appropriations committee vice chairperson at Negros Oriental Rep. Jocelyn Limkaichong, ang CHR budget sponsor na ang alokasyong ito ng ahensya ay mas mababa ng 38.32% kumpara sa isinumite nitong badyet na P1.799 bilyon sa kabila ng paglawak ng gampanin ng  CHR.

“Numerous recent laws have introduced additional responsibilities without providing the necessary funding to support them,” ayon kay Limkaichong.

Tinapos na rin ang interpelasyon ng 2025 proposed budget ng Department of Tourism (DOT) na P3.394 bilyon.

“This budget is not merely a fiscal allocation but rather strategic investment in our nation’s future,”  ayon kay House committee on appropriations vice chairman Rep. Faustino “Inno” Dy ng Isabela.

Nauna rito ay inaprubahan na rin ang mga taunang badyet ng Department of Finance (DOF), National Economic and Development Authority (NEDA) at Department of Budget and Management (DBM). 

Inaasahang bago matapos ang Setyembre ay tapos na ang deliberasyon ng susunod na badyet upang agad itong maisalang sa Bicameral Conference Committee  at maging ganap na batas bago matapos ang 2024. Meliza Maluntag