Home METRO Helper huli sa carnapping

Helper huli sa carnapping

84
0

ISABELA, Philippines – Nahuli ang isang helper na wanted sa kasong carnapping sa isinagawang manhunt operation ng pulisya sa Brgy. District 1, Reina Mercedes, Isabela.

Sa direktiba ni PCol. Manuel Bringas, Provincial Director ng Isabela Police Provincial Office o IPPO ay kinilala ang suspek sa alyas “Lito,” 40-anyos, isang helper at residente ng Brgy. Kalabaza, Aurora, Isabela.

Nadakip ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest na inilabas ng korte kaugnay sa paglabag sa Republic Act No. 10883 o ang New Anti-Carnapping Act of 2016.

Posibleng makalaya lamang ang suspek kung makapaglagak ng ₱300,000 na inirekomenda na piyansa ng korte para sa pansamantalang kalayaan nito.

Pansamantala nasa kustodiya ng pulisya para kaukulangbdokumentasyon at tamang disposisyon bago ipasakamay sa korteng pinagmulan. (REY VELASCO)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here