Home METRO Hepe ng Rodriguez pinatalsik sa pagkamatay ng binatilyo

Hepe ng Rodriguez pinatalsik sa pagkamatay ng binatilyo

576
0

MANILA, Philippines- Sinibak sa pwesto ang hpee ng Rodriguez Police sa Rizal sa command responsibility kasunod ng pamamaril sa 15-anyos na lalaki, ayon sa Philippine National Police (PNP) nitong Biyernes.

“Police Lieutenant Colonel Ruben Piquero was administratively relieved as Chief of Police, Rodriguez, Rizal for command responsibility,” pahayag ni PNP spokesperson Police Colonel Jean Fajardo.

Pinalitan si Piquero ni Police Lieutenant Colonel Arnulfo Silencio, na magsisilbing officer-in-charge ng Rodriguez Police, base kay Fajardo.

Batay sa ulat, tinanggap ni Piquero ang pagtanggal sa kanya sa pwesto dahil bahagi ito ng imbestigasyon sa insidente.

Noong August 24, napatay ang 15 taong gulang na si John Francis Ompad matapos magpaputok ng baril si Police Corporal Arnulfo Gabriel Sabillo sa direksyon ng kapatid ni Ompad na hinahabol ng mga pulis sa Barangay San Isidro sa Rodriguez.

Base sa inisyal na imbestigasyon, sakay ang kapatid ni John Francis na kinilalang si John Ace, 19, pauwi sa kanilang bahay nang harangin siya ni Sabillo at isang nagngangalang Jeffrey Beluan Baguio flagged.

Dahil dito, nagkaroon ng habulan kung saan tinanggal ni John Ace ang kanyang helmet at ibinato ito sa mga humahabol sa kanya.

Binunot umano ni Sabillo ang kanyang armas, nagpaputok nang apat na beses sa direksyon ni John Ace at tinamaan si John Francis, na lumabas sa kanilang bahay.

Naaresto ang mga suspek at nahaharap sa kasong homicide at attempted homicide.

Batay sa ulat, positibo si Baguio sa methamphetamine habang negatibo naman si Sabillo base sa kanilang drug test results.

Pareho silang negatibo sa gunpowder nitrate sa paraffin tests, ayon sa ulat. RNT/SA

Previous articlePinaluwag na K-10 Curriculum, ipatupad agad vs dropout rate – Gatchalian
Next articlePBBM: Palawan ‘insurgency-free’ na

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here