Home NATIONWIDE Pinaluwag na K-10 Curriculum, ipatupad agad vs dropout rate – Gatchalian

Pinaluwag na K-10 Curriculum, ipatupad agad vs dropout rate – Gatchalian

MANILA, Philippines- Inihayag ni Senador Sherwin Gatchalian na dapat nang ipatupad kaagad ang MATATAG K-10 program ng Department of Education (DepEd) upang mabawasan ang dropout rates ng estudyante.

Sinabi ni Gatchalian, chairman ng Senate Committee on Basic Education, na umaabot sa 30% hanggang 40% ang dropout rates sa Grade 1-3 students.

“Because our curriculum is so congested, a lot of our children get frustrated and they don’t enter school anymore,” aniya saka binanggit na makababalik lamang an g estudyante pagkatapos mag-drop sa eskuwelaahan sa edad na 12-14 sa pamamagitan ng Alternative Learning System (ALS).

Ipinaliwanag ni Gatchalian na hindi kumpletong pagtugon ang ALS, kaya kailangan dumaan ang estudyante sa pamamagitan ng basic education para sa holistic development.

“I do agree with Congressman Roman (Romulo) na sana ginawa na kaagad (that this should have been implemented immediately] because of that [congestion], we are seeing dropouts,” he said, referring to the new curriculum “We can only arrest that dropouts if we decongest and launch the new curriculum,” aniya.

Inilunsad ang Matatag Program bilang pilot basis nitong Agosto upang mabawasan ang kurikulum ng K-10 learners. “Learning competencies were reduced to around 3,600 from over 11,000 in the latest curriculum to give more time for foundational skills for a better learning outcome.”

Sinabi ng DepEd na nakatakdang ipatupad ang naturang programa sa 2023-2024 school year sa 30 lumahok na paaralan sa anim na rehiyon.

Sisimulan ang phased rollout sa SY 2024-2025 sa Kinder, at Grade 1, 4 at 7. Susundan ito ng Grade 2, 5 at 8 sa 2025-2026; Grade 3, 6 at 9 sa SY 2026-2027; at Grade 10 sa SY 2027-2028. Ernie Reyes