MANILA, Philippines – Humarap na si Health secretary Ted Herbosa sa Independent Commission for Infrastructure (ICI) upang talakayin ang kontrobersyal na Super Health Centers.
Inilatag ang ilang mga susunod na hakbang na gagawin ng DOH at ICI ang pagpapatuloy ng Kagawaran sa case building ng mga SHC na may nauna nang listahan.
Mula 297, umakyat ito sa 300.
Susuportahan din ng ICI ang pagpapatuloy ng mga imbestigasyon na pangungunahan ng DOH.
Isasaaktibo rin ng DOH ang Citizens Participatory Audit dahil simula nang isapubliko ng ahensya ang imbestigasyon, nakakuha na ito ng ulat mula sa publiko tungkol sa mga naka-tenggang Super Health Centers.
Sa inisyal na datos, ang SHC na pinondohan ng Health Facility Enhancement Program o HFEP ay umabot sa 878.
Ongoing construction naman sa ibat-ibang lungsod ang nasa 365, habang operational ang 196 at partially operational ang nasa 17. Nasa 300 naman ang non-operational.
Ayon sa DOH, ang bilang na ito at pauna lamang at iniimbestigahan pa ayon na rin sa payo ng ICI. Jocelyn Tabangcura-Domenden