Home ENTERTAINMENT Herlene, pumalag sa paratang na ‘pokpok’ siya!

Herlene, pumalag sa paratang na ‘pokpok’ siya!

181
0

Manila, Philippines – Naging masaya ang tsikahan nina Kris Bernal at ng beauty queen-actress na si Herlene Budol sa dressing room ng isang network.

Sa vlog ni Kris, naurirat niya si Herlene hinggil sa mga katotohanan tungkol sa kanya na hindi alam ng madlang pipol.

Napaisip muna ang beauty queen bago sumagot.

Ani Herlene, sa pagkakaalam daw niya ay nag-ahit siya ng pubic hair ng nakaraang gabi.

Katunayan, gumamit pa raw siya ng laser device na na-enjoy pa niya.

Hirit pa niya, malalim daw ang inabot nito dahil sapul hanggang kaibuturan.

Dagdag pa niya, sinubukan din daw niya ang bisa nito sa kanyang kilikili.

Tungkol naman sa lie o kasinungalingang pinaniniwalaan ng ibang tao sa kanya na gusto niyang i-correct, aniya, gusto raw niyang linawin na walang katotohanan ang tsismis na diumanoý pokpok siya, malandi at bayaran.

Pagbibiro pa niya, sana nga raw ay may pumapatol sa kanya dahil hirap na hirap na rin siya sa buhay.

Pahabol pa niya, sa ganitong pagkakataon daw ay epektibo ang PM is the key.

In all seriousness, hindi raw niya alam kung saan nanggagaling ang mga ganoong klase ng nasty rumors tungkol sa kanya.

Marahil daw ay may kinalaman ito sa pagdi-display niya ng kaseksihan sa social media na itinuturing niyang puhunan sa pag-aartista.

Naniniwala raw kasi siya sa kasabihan: “If you have it, flaunt it.”

Pagtatanggol naman ni Kris, sa pagkakakilala raw niya kay Herlene ay conservative ito.

Biro pa ni Herlene, wala pa raw namang nakikinabang sa kanyang katawan maliban sa kanyang ina na kasama niya sa kanyang pagti-TikTok. Archie Liao

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here