MANILA, Philippines – Dumating nitong umaga ng Miyerkules, Setyembre 24 sa tanggapan ng Department of Justice (DOJ) sina dating Department of Public Works and Highways (DPWH) 1st District Assistant Engr. Brice Hernandez at Jaypee Mendoza.
Sa impormasyon, ito ay para i-turn over nina Hernandez at Mendoza ang computer CPU na naglalaman umano ng ebidensya kaugnay ng maanomalyang flood control projects.
Una nang sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na humiling si Hernandez na maisama siya sa Witness Protection.
Sina Hernandez at Mendoza, maging si Engr. Henry Alcantara ay ipinatawag na rin sa Independent Commission for Infrastructure o ICI ngayong araw.
Naging mahigpit naman ang seguridad sa tatlong opisyal ng DPWH.
Ngayong hapon, inaasahan namang magpapaunlak ng panayam sa media si DOJ Secretary Jesus Crispin Remulla. Jocelyn Tabangcura-Domenden