Home ENTERTAINMENT Barretto family, nagluluksa!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Barretto family, nagluluksa!September 24, 2025 14:002980 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines – Nalagasang muli ng isang miyembro ang pamilya Barretto.Ito’y dahil sa pagpanaw ng panganay sa pitong magkakapatid na anak ng mag-asawang Miguel at Inday, si Mito.Si Mito ang kuya nina Gretchen, Marjorie at Claudine.Walang binanggit na cause of death ni Mito, maging ang kanyang edad maliban sa naiulat na biglaan o wala itong senyales.Si Mito ang kuya na kamakailan lang ay nag-sorry at nakipagkasundo sa nakaalitang si Claudine.Ang anak ni Mito sa asawang si Connie na si Mark ang naging tulay ng magkapatid para magbati.Ani Claudine, hindi raw niya inakala na ang araw ng pagbabati nilang ‘yon was to be the last day she’d see her brother alive.Samantala, ikinagulat ni Marjorie ang aniya’y biglang pagpanaw ng kuya.Pero inalala nito na noong pumanaw ang kanilang ama’y si Mito na raw ang tumayong haligi ng kanilang pamilya.Wala rin daw mahalagang okasyon sa buhay nila na wala si Mito para makisaya.Inalala rin si Mito ng kanyang mga pamangkin at anak ni Marjorie na sina Dani at Leon.Si Dani ay anak ni Marjorie kay Kier Legaspi at si Leon ay kay Dennis Padilla.Kapwa hindi raw malilimutan nina Dani at Leon ang masasayang alaalang iniwan sa kanila ng tiyuhin.Mula sa Remate Online, ang aming taospusong pakikiramay sa Barretto family. Ronnie Carrasco III