Home HOME BANNER STORY Malakanyang naniniwala, pagsauli ng ninakaw sa kaban ng bayan pwedeng kondisyon sa...

Malakanyang naniniwala, pagsauli ng ninakaw sa kaban ng bayan pwedeng kondisyon sa WPP

243
0

MANILA, Philippines – SINANG-AYUNAN ng Malakanyang ang ipinahayag ni Department of Justice Secretary Boying Remulla na kailangang magsauli muna ng kanilang ninakaw sa kaban ng bayan bago maging kuwalipikado ang sinumang aplikante sa Witness Protection Program.

Sinabi ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa press briefing na malaya ang Justice Department na humirit ng makatwirang requirements o kondisyon sa isang nais maka- avail sa WPP at nakasaad aniya ito sa RA 6981 section 5 paragraph E.

Bakit pa aniya hihintayin pang magsampa ng kaso ang pamahalaan kung ang mga salarin ay umaamin na may mga ninakaw nga silang pera ng taumbayan.

Sa kabilang dako, kung may pag- amin na aniyang nangyari, marapat lang ani Castro na isauli ang nakulimbat ng mga nais mapasailalim sa WPP bilang pagpapakita na din aniyay kanilang good faith.

Ani Castro, ang mga ito’y humihingi ng tulong sa gobyerno kaya’t dapat lang na magbalik sila ng kanilang ninakaw habang pinoproteksiyunan at gagastusan ng gobyerno. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here