Home NATIONWIDE ‘High-risk’ emergency response protocols ikinasa sa 4 rehiyon kay ‘Aghon’

‘High-risk’ emergency response protocols ikinasa sa 4 rehiyon kay ‘Aghon’

MANILA, Philippines- Pinagana ng National Disaster Risk Reduction Council at ng Office of Civil Defense ang “high-risk” Emergency Preparedness and Response (EPR) protocol sa apat na rehiyon dahil sa Tropical Depression Aghon sa pagtama nito sa Eastern Samar.

Paliwanag ni OCD Spokesperson Director Edgar Posadas, ibinaba ang high-risk “Charlie” EPR protocol para sa emergency response organizations sa:

  • National Capital Region

  • Cordillera Autonomous Region

  • Bicol Region, at

  • Eastern Visayas Region.

Kabilang sa Charlie o high-risk protocol ay ang pag-activate sa emergency operations centers sa red alert, pagrerekomenda ng suspensyon sa klase at trabaho, pagpapatupad ng preemptive at forced evacuations, bukod sa iba pa.

Tuluyan nang nag-landfall si Aghon sa Homonhon Island ng alas-11:20 ng gabi nitong Biyernes, habang ang ikalawang landfall nito ay naganap sa munisipalidad ng Giporlos, kapwa sa lalawigan ng Eastern Samar.

Samantala, ang Bravo o moderate risk protocols ay ginawa namang aktibo sa:

  • CALABARZON,

  • Western Visayas, at

  • CARAGA.

Ang Alpha o low-risk protocols ay pinagana naman sa:

  • Cagayan Valley,

  • MIMAROPA,

  • Central Visayas,

  • Northern Mindanao,

  • Davao Region,

  • SOCCSKSARGEN, at

  • Bangsamoro Autonomous Region for Muslim Mindanao.

Ang mga sumusunod na rehiyon na inilagay naman sa “Standby” ay ang:

  • Ilocos Region,

  • Central Luzon, at

  • Western Mindanao.

Dagdag pa rito, inatasan ang mga kinauukulang ahensya na magsagawa ng PDRA Analyst Group Meetings para matukoy ang mga pangangailangan ng bawat rehiyon depende sa kanilang protocols.

Naghahanda na rin ang mga kinauukulang ahensya para pangasiwaan ang kanilang law and order, logistics, search at retrieval operations, education, at emergency telecommunications sectors sa posibleng landfall.

“We’d just like to emphasize yung kahandaan ng inyong national government sa pamumuno ng Secretary of National Defense, at yung Office of Civil Defense na nakataas na po ang alert… This is in keeping po, all hands po ito para matugunan agad kung may kinakailangan,” giit ni Posadas. Kris Jose