Home NATIONWIDE PPA: ‘Non-essential’ travel iwasan muna sa gitna ng hagupit ni TD Aghon

PPA: ‘Non-essential’ travel iwasan muna sa gitna ng hagupit ni TD Aghon

MANILA, Philippines- Hinikayat ng Philippine Ports Authority (PPA) ang publiko na ipagpaliban ang non-essential travel sa mga lugar na apaektado ng Tropical Depression Aghon.

Ito ay matapos itaas ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa ilang lugar sa Visayas at Mindanao.

Pinaalalahanan ni PPA General Manager Jay Santiago ang mga daungan na sumunod sa protocols at sa “No Sail Zone Policy” na inilabas ng Philippine Coast Guard.

“We have directed all the PMOs (Port Management Offices) to stay alert and to prioritize the safety of the passengers and the employees of the ports affected by TD Aghon,” sabi ni Santiago.

Ang PPA ay nasa high alert status habang nagpapalakas ang bagong Aghon.

Suspendido ang lahat ng paglalayag ng mga sasakyang pandagat at sasakyang pantubig mula mainland Surigao del Norte hanggang Dinagat Islands at ang grupo ng mga isla ng Siargao/Bucas Grande.

Lahat ng pantalan sa Negros Oriental at Siquijor provinces ay nasa normal na operasyon sa gitna ng mahinang pag-ulan, ayon sa PPA.

Walang mga iskedyul ng barko ang nakansela ngunit ang lahat ng mga terminal ay inatasang tiyakin ang ginhawa at kaligtasan ng mga pasahero.

Sa Masbate, apat na biyahe ang kinansela — Mintac – Calbayog – Cebu, v.v. MV Masbate City; Cawayan – Pulambato, Bogo, v.v. MV Palanas Star; Mobo – Calbayog – Cebu, v.v. MV Pio V. Corpuz Star; at Mobo – Pio Duran, v.v. MV Cataingan Star. Jocelyn Tabangcura-Domenden