MANILA, philippines – Mahigit 100,000 Katolikong mananampalataya at deboto ng Poong Jesus Nazareno ang dumalo sa Misa Mayor o midnight Mass sa Quirino Grandstand bago ang Traslacion 2026, ayon sa Manila Public Information Office (PIO).
Batay sa isang Facebook post ng Manila PIO, ang crowd estimate ay mula sa datos ng Manila Police District (MPD) at ng Innovation Integrated GIS and Data Hub ng Manila Disaster Risk Reduction and Management Office (DRRMO).







