Home METRO Higit 100K pamilya sa Albay inilikas bago bumayo si ‘Pepito’

Higit 100K pamilya sa Albay inilikas bago bumayo si ‘Pepito’

MANILA, Philippines- Nailikas na ang halos lahat ng vulnerable population ng Albay, ayon kay Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) officer Dante Baclao.

Katumbas nito ang 363,261 indibidwal o mahigit 102,000 pamilya.

“Naghihintay na lang po kay Pepito. Naka-ready na man po in whatever eventuality,” ani Baclao.

Sinabi naman ni Legazpi Mayor Alfredo Garbin na target nila ang zero casualty.

“Ginawa natin ang lahat para yung pagdating ng bagyong Pepito ay kaya natin. Not just we anticipate the typhoon but we also yung pwedeng magkaroon ng casualty. But we are aiming for zero casualty,” ayon sa opisyal. RNT/SA