Home NATIONWIDE OCD: 36K rescue personnel, assets handa sa hagupit ni ‘Pepito’

OCD: 36K rescue personnel, assets handa sa hagupit ni ‘Pepito’

MANILA, Philippines- Inihayag ni Office of Civil Defense (OCD) administrator Undersecretary Ariel Nepomuceno nitong Sabado na mahigit 36,000 rescue personnel at kanilang mga asset ang nakaantabay upang madali silang makaresponde sa epekto ni Super Typhoon Pepito (international name Man-yi).

Sa press briefing, sinabi ni Nepomuceno na bahagi ang “strategic deployment” ng mga tauhan at kagamitan ng paghahanda nila para sa super typhoon.

Kabilang sa rescue troops ang mga tauhan ng OCD, Army, Air Force, Navy, Coast Guard, at Bureau of Fire Protection, maging local government units, pahayag niya.

Inihanda rin ang land, sea, at air assets na sumusuporta sa rescue personnel upang matiyak ang agarang deployment sakaling kailanganin, ayon kay Nepomuceno.

“Para lang meron tayong idea, kapag pinagsama-sama natin kung ilan ang mga tauhan natin sa mga nabanggit kong ahensiya, from the uniformed services, eto updated na, ang naka-standby natin na sanay at sinanay upang tumugon sa kalamidad, meron tayong 36,694 personnel,” wika niya. RNT/SA